Friday, August 12, 2011

Disiplina sa Wika, Unang Hakbang sa Pag-unlad

Tema:Wika sa Pagpapatupad ng Kaunlaran at Disiplina ng Bayan


Maraming dahilan kung bakit mas nanaisin pa nating magsalita sa wikang iba o labas sa ating bansa. Mga wikang, nagsisilbing daan na rin upang makalimutan natin ang sariling atin. Ito ba ang dapat na gawi?

Sa bansa natin, kung mayroon man tayong maayos na lider, mayroon din naman tayong hindi madisiplinang mga mamayan. Marahil ibang usapan na ang pagbibigay importansya sa wika, ngunit malaking hakbang ang inilalayo nito sa ating kaunlaran.

Ingles ang wikang pinakaginagamit sa buong mundo. Ito ang pangalawang wika ng mga Pilipino. Sa paaralan, may stick to English Policy,at Ingles ang pakikipag-usap sa mga guro. Pati sa pamahalaan at mga simpleng pag-uusap, mapapersonal man, o sa internet. Napakaimposible nang palitan ang nakagawiang pakikiugnayan! Ngunit ang mas masaklap pa rito, ay ang pagtuon ng pansin ng kabataan, sa pagsusulat at pagbabasa ng Hangul, Niponggo, Mandarin atbp. ! Kabataan, Pilipino ka! Hindi ka dayuhan para gawin 'yan!

Pag-unlad ang nais makamtan ng ating bansa. Hindi naman natin maiaasa sa mga lider ng bansa ang kaunlaran nang wala tayong hakbang. Bigyang halaga ang wikang sa'tin ay ibinigay. Unahin natin ang gawang Pilipinas, sa wika man, sa produkto, o sa kultura. Disiplinahin ang sarili at buksan ang isipan.

This is an entry to the Buwan ng Wika 2011 Blog Writing Contest sponsored by the Alabel National Science High School-SAKAFIL and The Teacher’s Notebook

5 comments:

  1. tama ang mga iyong iniwika. ang pag unlad ay ang nais ng ating pamahalaan. isang halimbawa na ay ang bansang Hapon, sila ay meron lamang isang wikang ginagamit, ito ay ang Niponggo na siyang daan na naging maunlad ang bansang Hapon dahil sa nauunawaan nila ang bawat detalye ng mga batas na pinapatupad ng kanilang pamahalaan. sanay ganitu din tayo dito sa pinas. sanay isalin nila ang ating mga batas sa wikang Filipino, upang kahit mga d nakapag aral ay mauunawaan ang mga ito.

    ReplyDelete
  2. May punto ka Dianne. Dahil sa iba't iba ang wikang pang interaksyon natin sa bansa, hindi tayo nagiging maunlad.

    ReplyDelete
  3. kaya nga.sanay isalin na lamang nila ang mga batas sa wikang Filipino. marami kc tlga sa ating mga kababayan ang hnd nakakaintnd ng salitang banyaga.pag itoy naisalin sa wikang Filipno,lahat ay mkakaintndi nitu. kht sa pakikinig nlamang, ay maiintndhan nila ang mga ito. ngunit sadyang bulag sa katotohanan ang ating pamahalaan,pilit nilang gnagamit ang salitang d naman sa atin. papaano pa kaya uunlad ang ating bnsa kng mismong mga batas nila ay hnd na iintndhan ng mga taong knilang pinamumunuan?.

    ReplyDelete
  4. Salamat sa pag sang-ayon Dianne. Naaayon nga naman sa panahon natin na mabigyang konsiderasyon ang ating kapwa. Mapag-usapan na sana ito sa pamahalaan at mabigyang aksyon.

    ReplyDelete
  5. Gusto mo ba ng online work?
    Earn while you enjoy time with your Family & Lovedones!
    Email me: tirade_uno_23@yahoo.com
    For more details, kindly visit http://www.unemployedpinoys.com/

    ReplyDelete